Balut, taho, kwek-kwek at fishball vendors, balik kalsada na muli bukas

Matapos mawala ng halos dalawang buwan, makikita na ulit at matitikman ang ilang paboritong street foods simula bukas dito sa Metro Manila

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, maaari na kasing magbalik trabaho ang mga nagtitinda ng balut, taho, kwek-kwek at fishballs sa mga lugar na sakop ng General Community Quarantine (GCQ) maging sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Nabatid na simula bukas, May 16, 2020, lahat ng lugar sa bansa maliban sa Metro Manila, Cebu at Laguna province ay mag-g-GCQ na.


Kasunod nito, ipinaalala ni Roque sa publiko na sundin ang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing at panatilihin pa rin ang proper hygiene at cough etiquette.

Maliban dito, pinapayagan na rin mag-ehersisyo sa labas ng bahay tulad ng pagtakbo at jogging, bisikleta basta’t iwasan lamang ang pagkukumpol-kumpol.

Facebook Comments