Naghamon ngayon si Dating PCSO General Manager Alexander Balutan matapos ang pagsibak sa kanya dahil sa umano’y seryosong alegasyon ng korapsyon.
Hamon niya, magsagawa ng full and impartial investigation kaugnay sa sinasabing korapsyon sa ilalim ng kaniyang panunungkulan.
SIMULA pa lang aniya nang ma-appoint siya sa posisyon noong 2016, sinabi na niya sa kanyang sarili na magbibitiw siya oras na makatanggap ng utos mula sa office of the president o sa kongreso na gawin ang isang bagay na hindi niya kayang sikmurain.
Naniniwala rin si Balutan ng may mga makapangyarihang tao sa likod ng pagkakaalis niya sa pwesto.
Tinawagan aniya siya ni Executive Secretary Salvador Medialdea at sinabing may ilang taong gusto siyang mawala sa PCSO.
Biyernes nang ianunsyo ni PCSO Deputy Spokesperson ang pagbibitiw ni Balutan dahil sa personal na dahilan pero kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pagsibak sa opisyal.
Samantala, nagbitiw si Balutan isang araw lang matapos sabihin ng PCSO na bumagsak ang sales nito ng higit 39.19% noong Pebrero.
Noong nakaraang buwan, umabot lang sa P1.58-billion ang naging kita ng pcso kumpara sa P2.61 billion na kita sa kaparehong panahon noong 2018.