Bamban Mayor Alice Guo, pinatawan ng anim na buwan na preventive suspension ng Office of the Ombudsman

Pinatawan ng anim na buwan na preventive suspension ng Office of the Ombudsman si Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ay matapos na mismong sumulat ang Department of the Interior and Local Government o DILG sa Ombudsman kasunod ng pagbuo nito ng task force para sa pananagutan ng Bamban LGU sa nadiskubreng POGO.

Sa resolusyon ng Ombudsman, maliban kay Guo, pinatawan din ng preventive suspensyon sina Edwin Ocampo, business permit and licensing officer at Adenn Sigua, municipal legal officer.


Agad na magkakabisa ang desisyon at inaatasan ang DILG na ipatupad agad ang kautusan ng Ombudsman.

Hindi nakasama sa mga pinatawan ng suspensyon ang bise alkalde at ang mga konsehal ng Bambang LGU.

Facebook Comments