Pormal nang nanumpa kay Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang pansamantalang uupong alkalde ng Bamban, Tarlac na si Municipal Councilor Erano Timbang.
Si Timbang ang papalit sa sinabak na Mayor na si Alice Guo.
Tatayong alkalde si Erano sa loob ng tatlong buwan.
Paliwanag ni DILG Sec. Benhur Abalos, si Erano kasi ay abswelto sa desisyon ng Ombudsman dahil sa lack of merit sa koneksyon sa POGO.
Tumutol kasi si Erano sa paglalabas ng permit sa POGO sa Bamban.
Samantala, sinabi rin ni Abalos na pag-aaralan pa kung paano pupunan ang iba pang pwesto na nabakante sa Bamban.
Maliban kasi sa dismissal kay Guo, sinuspinde rin ng Ombudsman sa loob ng tatlong buwan ang 12 pang opisyal ng Bamban kasama na ang kanilang Vice Mayor na si Leonardo Anunciacion.
Nabatid na matapos ang suspensyon ng Ombudsman, babalik na ang bise alkalde at doon i-aapply ang rule of succession kung saan ito na ang magiging alkalde ng Bamban.