BAMBANG BY-PASS ROAD, MALAPIT NANG MATAPOS

Cauayan City – Isang kilometro na lang ang natitirang kailangang sementuhin sa Bambang By-Pass Road sa Nueva Vizcaya ngayong taon, ayon kay Engineer Elmer Escobar ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa pahayag ni Escobar, kasalukuyan pang ginagawa ang paghuhukay sa mabundok na bahagi ng proyekto upang mapababa ang tarik ng daan.

Gayunpaman, ang proseso ay naapektuhan ng pabago-bagong lagay ng panahon subalit kapag natapos na ang excavation, agad na sisimulan ang concreting phase ng proyekto.


Ang limang-kilometrong By-Pass Road, na nagkakahalaga ng P897.85 milyon, ay inaasahang magpapabilis ng biyahe papuntang Maynila nang 45-60 minutes at makakatulong upang mabawasan ang trapiko sa bayan ng Poblacion, lalo na tuwing rush hour.

Sa kasalukuyan, sarado pa rin ang By-Pass Road sa mga motorista habang hinihintay ang direktiba mula sa Regional Office para sa posibleng pansamantalang pagbubukas nito para sa mga magagaan na sasakyan.

Facebook Comments