Bambanti Dance Spectacle, Isasagawa sa SM City Cauayan!

168

Cauayan City, Isabela- Inaasahan na magkakaroon ng Bambanti Dance spectacle bukas, Enero 31, 2020 sa SM City Cauayan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ms. Krystal Gayle Agbulig, Public Relations Manager sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.


Iimbitahan aniya nila ang mga kalahok sa Bambanti Festival 2020 para sa kanilang Bambanti Street dance at Dance showdown sa mall.

Nasa 5 grupo ang inaasahan na magtatanghal bukas na iikot at mag dance showdown sa driveway sa labas ng mall.

Kaugnay nito, bilang bahagi pa rin sa pagdiriwang ng Bambanti Festival ay magkakaroon din ng Costume making contest ang mga bata ngayong darating na Sabado.

Samantala, una nang nagsagawa ng pagpupugay kahapon ang SM City Cauayan kasama ang mga nanalo sa Isabela Queen 2020 maging ang mga mall goer’s sa namayapang Basketball legend na si Kobe Bryant.




Facebook Comments