Bambanti festival 2019, Inaabangan na!

*Ilagan City, Isabela-* Pinaghahandaan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang isang Linggong kasiyahan para sa Bambanti Festival 2019 mula sa Enero 21 hanggang Enero 26, 2019 na gaganapin sa Provincial Capitol ng Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ginoong Romy Santos, media consultant ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, nakahanay sa araw ng Enero 21 ang mga aktibidad gaya ng pagsasagawa ng misa sa St. Michael Cathedral, Upi, Gamu, Isabela, pagbubukas sa Agri Eco Tourism Exhibit and Sale kung saan maaring makabili ang lahat ng mga ibat-ibang produkto mula sa ibat-ibang bayan ng Isabela at ng mga karating probinsya.

Magkakaroon din ng libreng Medical, Dental at Surgical Mission hanggang sa Enero 23 na gaganapin sa Governor Faustino Dy Memorial Hospital at mga sports activities competition.


Sa Enero 22 ay patuloy lamang ang Agri Eco Tourism Exhibit and Sale hanggang sa Enero 26, competition ng preliminary activity ng ‘Makan ken Mainom’ at cookfest competition.

Bukod sa patuloy na mga aktibidad ay magkakaroon din ng rehearsal para sa grand opening production ng Tagumpay ng Pusong Isabela sa Enero 23 at magkakaroon ng public viewing ng ‘Festival King and Queen’ costume ng bawat lugar.

Sa Enero 24, 2019, matatapos na ang medical, dental and surgical mission habang pagdedesisyunan na ng mga hurado ang costume ng mga King and Queen maging sa ‘Makan ken Mainom’.

Nag-aabang naman sa Enero 25 ang Showcase competion ng Bambanti, assembly at parade ng mga street dance contingents, judging sa King and Queen performance at magkakaroon rin Guiness World Records presentation.

Sa Enero 26, magkakaroon ng Isabela Grand Concert Party sa katauhan ng iba’t-ibang artista at final Grand Fireworks display ng Isabela.

Sa tala ng PGI mula noong Jan. 3, 2019, ay mayroong dalawang bayan at isang Lungsod mula sa 34 na munisipalidad at 3 syudad sa Isabela ang wala pang entry sa mga nabanggit na kompetisyon.

Samantala, mabibigyan ng subsidiya mula sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang mga bayan na kumpleto ang sasalihan sa anim na kategorya sa gaganaping Bambanti Festival 2019.

Facebook Comments