Naghahanap ka pa rin ba ng bagong idadagdag sa iyong Christmas silew-silew adventure?
Tara na sa bayan ng Bani, Pangasinan, kung saan tampok ang kanilang kakaibang Christmas tree na yari sa kawayan!
Sa umaga, mistula lamang itong ordinaryong kawayan na nakatayo. Ngunit pagsapit ng gabi, nagiging makahulugan itong tanawin. Mula sa maliliit na butas na maingat na kinayod sa bawat kahoy, ay doon sumisilip ang mga Christmas lights na nagbibigay ng ganda at makulay na liwanag.
Ang paggamit ng kawayan ay maituturing na cost-efficient dahil maari itong tumubo sa mga kabahayan, hindi rin ito maaksaya sa maintenance, at isa itong matibay na kahoy,mga katangian na sumasalamin din sa mga residente ng Bani
Bagaman hindi na bago ang ganitong uri ng eco-friendly Christmas tree sa bansa matapos ang parehong konsepto sa Palo, Leyte noong nakaraang taon, katangi-tangi pa rin ang naturang tema dito sa Pangasinan dahil sa nakakabilib na disenyo na may ‘touch of nature’.
Ngayon Paskuhan 2025, ipinakikita naman ng kawayan bersyon ng Bani ang kakayahan ng mga residente na bumangon mula sa mga unos, lalo’t isa rin ang bayan sa mga lugar na matinding naapektuhan ng mga nagdaang bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









