Muling umuusbong sa Lingayen ang sining nang paggawa ng muwebles gamit ang kawayan— isang likas at maka-kalikasang materyal na matagal nang bahagi ng kulturang Pilipino.
Hindi lamang ito matibay at abot-kaya, ang kawayan ay swak din sa ating mahalumigmig na klima dahil sa likas nitong resistensya sa tubig.
Sa tulong ng lokal na pamahalaan at pagtutok sa sustainable tourism, ang muling pagpapasigla sa paggawa ng muwebles mula sa kawayan ay nagiging daan para mapanatili ang ating kultura, mapangalagaan ang kalikasan, at maipasa ang yaman ng sining na ito sa mga susunod na henerasyon.
Sa bawat likhang kawayan, buhay na buhay ang tradisyon at pag-asa para sa mas luntian at makatarungang kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









