BAMBOO PLANTING ACTIVITY, PINANGUNAHAN NG PROVINCIAL GOVERNMENT NG QUIRINO

CAUAYAN CITY – Bilang pagdiriwang ng Philippine Arbor Day, nagsagawa ng Bamboo Planting Activity ang Provincial Government ng Quirino kahapon, ika-25 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Sa pamumuno ni Forester Estrella Pasion, ang Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO) at Special Projects Unit (SPU) ay nagtanim ng 306 bamboo seedlings, kabilang ang variety ng bayog at yellow bamboo.

Ayon kay Forester Pasion, patuloy ang kanilang tree planting activity upang muling buhayin ang natural landscape sa probinsya ng Quirino.


Ang nasabing aktibidad ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 643 series of 2004.

Facebook Comments