BAMBOO PRIDE MONTH 2024, NAGING MATAGUMPAY

CAUAYAN CITY- Naging matagumpay ang kauna-unahang kolaborasyon ng ISU Cauayan at LGU Cauayan sa selebrasyon ng Bamboo Pride Month 2024.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Supreme Student Council Adviser Dionicio Gante ng ISU-Cauayan, malaki ang pasasalamat nito sa mga nakilahok at tumulong sa pagdiriwang ng dalawang araw na selebrasyon ng Bamboo Pride Month 2024.

Watch more balita here: 2 LALAKI, TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION


Aniya, bahagyang nagkaroon lamang ng kaunting problema sa mga kalahok dahil may mga eskwelahan sa lungsod na hindi sumali sa kanilang aktibidad.

Dahil dito, napag-desisyunan ng kanilang pamunuan na hindi na lamang bukas ang mga contested activities sa mga mag-aaral kundi magiging bukas na ito para sa lahat.

Samantala, inaasahan naman na mas dadagsa pa at mas magiging makulay pa ang susunod na selebrasyon ng Bamboo Pride Month sa Lungsod sa susunod na taon.

Facebook Comments