Bamboo triad, sinisi ni Pangulong Duterte sa illegal na droga sa bansa

Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat ang China ang sisihin sa problema ng droga ng Pilipinas.

Sa kanyang naging talumpati sa 120th anniversary ng Department of Justice (DOJ), sinabi ng pangulo na ang dapat sisihin sa patuloy na drug trade sa bansa ay ang bamboo triad.

Ayon kay Duterte, ang Pilipinas ay kliyente ng bamboo triad kung saan ito ang nagproproseso ng droga sa mga teroristang grupo sa bansa.


Maliban rito, talamak rin aniya ang droga Sa Estados Unidos.

Gayunman, nilinaw niyang hindi siya galit sa Estados Unidos.

Aniya, wala siyang “dynamics” sa america dahil ang asawa aniya niyang si Honeylet ay OFW doon bago ito umuwi at nagsama sila sa Pilipinas.

Sa katunayan aniya kinuha nga rin niyang miyembro ng gabinete bilang Defense Sec. Delfin Lorenzana kahit alam niyang CIA ito.

Facebook Comments