Binawi na ni Manila Mayor Isko Moreno ang inilabas na memorandum na nagbabawal sa electric tricyle o e-trike na bumiyahe sa lungsod.
Kanina, nakipagpulong si Moreno sa mga driver ng e-trike sa Maynila.
Ayon sa alkalde, nauunawaan niya ang pangangailangan ng mga ito lalo na at may pamilya rin silang sinusuportahan.
Gayunman, mahigpit silang pinagbabawalan na bumiyahe sa mga pangunahing kalsada sa maynila at huwag magpapasaway sa lansangan.
Nangako rin ang alkalde na isusulong nilang maibaba ang boundary ng mga e-trike driver sa 100 pesos mula sa dating 150 pesos.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna na bibigyan ng prangkisa ng City Council ang mga e-trike operator.
Aayusin lang aniya nila ang klasipikasyon nito, ruta at maging dapat na pamasahe.