Ban sa importasyon ng sibuyas, pinalawig ng DA hanggang Agosto

Pinalawig pa ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa imported na sibuyas hanggang sa susunod na buwan ng Agosto.

Nakatakda sana kasing mapaso ang ban sa imported na sibuyas ngayong Hulyo.

Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, nananatiling mataas ang national inventory ng sibuyas.


Sa kasalukuyang, aabot sa 160,000 metric tons ng pulang sibuyas habang ang yellow onions ay aabot sa 12,000 metric tons hanggang katapusan ng hunyo.

Gayunman, gustong makatiyak ni Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na hindi mauwi sa hoarding ang ban sa imported na sibuyas.

Ito umano ang dahilan kaya regular nilang i-mo-monitor ang suplay at presyuhan ng sibuyas.

Facebook Comments