Ban sa mga POGO, inaabangang mababanggit ni PBBM sa kanyang SONA

Umaasa si Senate Minority Leader Koko Pimentel na mababanggit ni Pangulong “Bongbong” Marcos sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang tungkol sa mga Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa bansa.

Ayon kay Pimentel, kung iaanunsyo ni Pangulong Marcos sa kanyang SONA ang pag-ban sa lahat ng POGO activities sa bansa ay tiyak na makakahatak ito ng kanyang approval rating at popularity.

Aniya, posibleng itinatago lamang muna ito ng pangulo hanggang sa kanyang SONA at sakaling mabanggit nga ang tuluyang pagbabawal sa mga POGO ay napakagandang political move nito.


Sinabi pa ni Pimentel na hindi lamang magugulat ang lahat kung i-ban ang mga POGO sa bansa kundi matutuwa pa ang mga Pilipino.

Dagdag pa ng senador, kung tutuusin ay abonado pa ang bansa sa POGO dahil mistulang binawi rin ang kita rito dahil malaki ang ginagastos ng pamahalaan sa law enforcement para sa paglaban sa kriminalidad na dala ng mga POGO.

Facebook Comments