BAN | Total ban ng mga OFWs sa Kuwait, pinamamadali na sa DFA at DOLE

Manila, Philippinhes – Kinalampag ni OFW Party list Representative John Bertiz ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) na madaliin ang implementasyon sa pag-ban ng pagpapadala ng mga OFWs sa Kuwait.

Ito ay kaugnay na rin sa panawagan ni Pangulong Duterte ng total ban sa deployment ng mga OFWs sa Kuwait matapos na makapagtala ng 3 kaso ng suicide sa loob lamang ng halos dalawang buwan.

Ayon kay Bertiz, 2016 pa niya inihain ang resolusyon na nagpapa-ban sa pagpapadala ng mga OFWs sa Kuwait dahil sa mataas na kaso ng mga insidente ng pananakit at mga pang-aabuso sa mga Pinay OFWs.


Natutuwa ang kongresista na ngayon ay mismong si Pangulo na ang nagsabi patunay na sensitibo ang Presidente sa karapatan ng mga kababaihan at mga domestic workers.

Bukod sa mga naitatalang mga OFWs na nagpapakamatay sa Kuwait, buwan-buwan ay mayroong 300 hanggang 400 mga OFWs ang tumatakas sa kanilang mga amo na nasa kustodiya ngayon ng Bahay Kalinga ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait.

Facebook Comments