BAN Toxics, nagbabala sa publiko na iwasan ang pagbili ng mga Christmas lights na nagtataglay ng nakalalasong kemikal

Binalaan ng grupong BAN Toxics ang publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga Christmas light.

Ayon sa grupo, batay sa kanilang isinagawang market monitoring, ilang sa mga ibinebentang Christmas lights ay nagtataglay ng mga nakalalasong kemikal.

Mabibili ang naturang mga Christmas lights sa Pasay City, Pasig City at Taguig City sa halagang ₱100.


Kabilang sa mga natukoy na kemikal ay lead, cadmium at iba pang toxic chemicals.

Sa pagsusuri ng grupo, lampas 1,000 parts per million (ppm) ang nakitang lead sa ilang Christmas.

Lampas din sa 100 parts per million ang nakitang cadmium sa naturang mga pampailaw.

Hinimok naman ng grupo ang Department of Trade and Industry (DTI) na magsagawa ng inspeksyon at tanggalin sa mga tindahan ang mga delikadong Christmas lights.

Facebook Comments