‘BANAAN MUSEUM’ – KAUNA-UNAHANGMUSEUM SA PANGASINAN, BINUKSAN NA SA PUBLIKO

Isa ang probinsya ng Pangasinan na mayaman sa kultura at kasaysayan kung kaya’t hanggang ngayon sa makabagong panahon ay patuloy na pinapayabong at iipinipreserve ang mga lokal na arts at masterpiece ng bawat bayan sa lalawigan.
Nito lamang September 8, 2023 binuksan na sa publiko ang kauna unahang museum na tinawag na “Banaan Museum” – Pangasinan Provincial Museum na matatagpuan sa Casa Real sa bayan ng Lingayen kasabay ng inagurasyon nito na sinabayan din ng bonggang programa.
Ang paglulunsad ng BANAAN Museum ay isang pagkilala sa kasaysayan at kultura ng buong Pangasinan bilang isa sa pinakamahalagang lalawigan sa ating bansa at sandigan ng bawat Pangasinense sa kwento ng bansang Pilipinas.

Inihalintulad sa pangalan nito, “BANAAN”, gawing lugar ng mga pagtitipon ng mga ideya, sining, kuwento at kultura, tampok ang galing at husay ng bawat Pangasinense.
Nakaka-proud Pangasinense dahil mayroon na tayong ganitong matatawag na sariling Museum dito sa lalawigan ng Pangasinan, kaya sa mga Idol natin isama niyo na ito sa inyong bucketlist sa inyong mga gala ngayong ber months. |ifmnews
Facebook Comments