Banana plantation sa Surigao del Sur, sinalakay ng NPA, anim na mga sasakyan sinunog

Sinalakay ng rebeldeng New People’s Army o NPA ang banana plantation ng DOLE Philippines sa Sitio Ibo, Brgy. Anahao Daan bayan ng Tago, Surigao del Sur.

Sinunog ng mga armado ang anim na mga sasakyan at pinutol pa ang mga puno ng saging alas onse kahapon ng umaga.

Sa exclusive interview ng RMN DXBC Butuan, kay Ka Amihan, tagapagsalita ng GFC-19 ng NPA ngayong umaga, agad nitong inamin na sila ang responsable sa pamumutol at panununog.


Pinabulaanan din niya na walang katutuhanan ang unang report ng militar na sinunog nila ang plantasyon ng saging dahilan sa hindi pagbigay ng kompanya ng revolutionary tax.

Hinggil dito kinondina ni LTC Randolph Rojas, 36th IB Phil. Army Commander ang karahasang ginawa ng NPA.

Sa ngayon patuloy parin ang hot pursuit operation ng military sa lugar, at inaalam pa ang danyos ng pinsala sa pag-atake ng mga NPA. (By: Ivy Falcone)

Facebook Comments