Banat ng mga kritiko ng ‘LTO IT Project,’ tinawag na Fake News ng German Firm

Sinalag ng German Company ang akusasyong maanomalya ang Information Technology Infrastructure project ng Land Transportation Office.

Tinawag ni Atty. Ingwar Grueneisen, abogado ng Dermalog Identification Systems na nakabase sa Hamburg, Germany na ‘Fake News’ ang napabalitang may mga hindi ito nagawa at na-deliver sa kontrata nila ng LTO.

Ayon sa Legal Counsel ng Dermalog, ongoing ang implimentasyon ng IT Data Center at Hardware Infrastructure ng LTO  pero nasusunod nila ang lahat ng kanilang obligasyon sa ahensya base na rin sa itinatakbo ng proyekto.


Dagdag pa ni Grueneisen, nasa pilot implementation pa rin ang proyekto at anumang delay sa ganito kalaking IT Infrastructure Project ay normal lang lalo kung ang abala ay hindi kontrolado ng magkabilang partido.

Giit pa ng German Lawyer na kasinungalingan din ang napabalita sa pahayagan na may asunto ang Dermalog sa Germany at Haiti.

Sinegundahan naman ng Lokal na abogado ng Dermalog na si Atty. Howie Calleja ang birada ng kanyang kapwa abogado.

Ang Dermalog ang pinakamalaking Biometric Company sa Germany ang nanalong bidder para magtayo ng IT Data Center para sa mas maayos na serbisyo ng LTO sa plaka ng sasakyan at driver’s license.

Facebook Comments