Banat ni Atty. Vic Rodriguez sa courtesy resignation ng mga gabinete ni PBBM, pinalagan ni ES Bersamin

Sinupalpal ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pahayag ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez kaugnay sa panawagang courtesy resignation ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga gabinete.

Sa facebook live ni Rodriguez, iginiit niyang kahit magpalit-palit ng tao sa gabinete, hindi umano maaayos ang gobyerno dahil mismong si Pangulong Marcos ang problema.

Tinumbasan naman ito ni Bersamin ng patutsadang para lang siyang tumatahol na aso sa gabi.

Ayon pa kay Bersamin, walang ginawa si Rodriguez kundi dumaldal kaya tatlong buwan lang ang itinagal nito sa pwesto niya noon.

Kaya naman marapat lang na hindi na dapat binibigyang pansin ang mga pahayag ni Rodriguez.

Facebook Comments