Banat ni Gen. Parlade, hindi na papatulan ng ilang senador

Minabuti nina Senators Sherwin Gatchalian at Joel Villanueva na huwag ng patulan pa ang mga huling banat ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesman Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.

Ito ay ang pahayag ni Parlade na “stupid” ang mga senador na nagsusulong na tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC gayong sila mismo ang nag-apruba nito.

Ayon kay Villanueva, hindi sila bababa sa antas ng kababawan ni Parlade bukod sa hindi rin naman makakapaglagay ng pagkain sa mesa ang name-calling.


Kinatigan naman ito ni Gatchalian sa pagsasabing sayang ang pera ng bayan sa NTF-ELCAC kung katulad ni Parlade ang nakapwesto rito.

Nadismaya naman si Senate Minority Leader Franklin Drilon, sa nabanggit na tirada ni Parlade na aniya’y nagpapakita ng kawalan ng respeto sa mga senador.

Facebook Comments