Thursday, January 15, 2026

Banat ni Romualdez sa privilege speech ni Escudero, ‘DDS’ script

Para kay Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez, DDS script ang privilege speech ni Senator Chiz Escudero na ang laman ay puro recycled at walang katotohanan na mga akusasyon na makikita din sa mga troll pages at social media posts.

Dismayado si Romualdez, na sa halip magpaliwanag ay sinisi sya ni Escudero sa pagkakadawit nito na isyu ng korapsyon sa flood control projects.

Sabi ni Romualdez, malinaw na ang talumpati ni Sen. Escudero ay hindi tungkol sa pananagutan, kundi para isulong ang personal nitong ambisyon, interes at plano sa politika.

Sa tingin ni Romualdez, ang talumpati ni Escudero sa plenaryo ng Senado ay paraan ng pagpapahayag ng katapatan kay Vice President Sara Duterte na layuning iposisyon ang kaniyang sarili sa 2028 elections.

Nangako naman si Romualdez na patuloy siyang makikipagtulungan sa isang patas sa imbestigasyon kaakibat ang pagtiyak na wala siyang itinatago.

Idinagdag naman ni Romualdez na kung tunay na pananagutan ang hanap ni Escudero ay sa presinto na ito magpaliwanag.

Facebook Comments