Banchetto sa Cauayan City, Ma-eenjoy na bilang bahagi ng Gawagaway-yan Festival!

215

*Cauayan City, Isabela-* Ma-eenjoy na mamayang gabi ang Banchetto kasabay nang pagsisimula ng Gawagaway-yan Festival ng Cauayan City.

Iniimbitahan ang lahat na makiisa at makisaya para sa isang buwan na selebrasyon sa pista ng Lungsod.

Naghahanda na ang mga baratilyo para sa mga nais bumili ng iba’t-ibang produkto ganun na rin sa mga nagtitinda ng pagkain.

Ma-eenjoy rin ng mga bibisita ang kanilang gabi sa pamamagitan ng pakikinig at panonood ng banda habang kumakain.

Inaasahang dadagsain ang Centro ng Cauayan para sa Soft Opening ng Gawagaway-yan Banchetto.

Samantala, abala na rin ang City Government ngayong araw dahil sa pagdating ni Senador Cynthia Villar upang pangunahan ang gagawing aktibidad sa F.L Dy Coliseum bilang bahagi sa pagdiriwang ng Women’s Month na susundan mamayang hapon sa Lalawigan ng Qurino.

Nakaalerto na rin ang mga otoridad para sa seguridad sa mga aktibidades sa Lungsod.

Facebook Comments