Bandalismo sa iba’t ibang lugar sa Maynila, inako ng grupong Anakbayan

Manila, Philippines – Kinondena ng Manila City Government ang mga bandalismo sa iba’t ibang lugar sa Maynila na sinasabing kakagawan ng militanteng grupong Anakbayan.

Ayon sa Manila Tourism & Cultural Affairs Bureau o MTCAB, sinisira ng naturang grupo ang pagsusumikap nila na mapaganda ang lungsod.

Iginiit pa ng MTCAB na hindi bandalismo ang sagot sa pagbabago at sa halip ay disiplina at pang-unawa ang kailangan para sa mas maunlad na Maynila.


Kinumpirma naman ni Al Omaga, Anakbayan media liaison officer, na ang kanilang art group na panday sining ang may gawa ng mga pagpintura sa ilang lugar sa Maynila.

Aniya, ng naturang mga pintura ay “art protest” o protesta na idinaan sa mga sining.

Facebook Comments