Bandila ng Pilipinas, aming iwawagayway– Lanao youth leader!

Pumailanlang ang ang “Allahu Akbar” sa kabila ng mga hikbi nang pangunahan ng Darul Iftah ang panalangin sa flag-raising ceremony nitong Lunes sa harapan ng Marawi City Hall –kauna-unahan makalipas ang 5 buwang giyera.
Ang flag raising ay iniugnay ni Nowaim Ampuan, presidente ng Lanao Youth Congress sa katagang ‘Bangon Marawi’ na sumisimbolo ng pag-asa para sa kabataan; Sa kabila ng pagkasira ng kanilang lungsod, iwawagayway nila ang bandila ng Pilipinas, ayon pa kay Ampuan.
Hindi umano maipaliwanag ang kasiyahang naramdaman ng kabataan sa Marawi city nang ideklara ang ‘liberation’ sa kanilang lugar. Buo ang pag-asa ng mga ito na sa huli ay muling manunumbalik sa normal ang pamumuhay mamamayan sa kani-kanilang komunidad.
Umaasa rin ang kabataan sa Lanao del Sur na ang bagong itatayong lungsod ay mas organisado sa usapin ng polisiya upang hindi na maulit ang isang madilim na kabata sa kasaysayan ng Marawi city na lubhang nakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. (photo credit: bpi-armm)

Facebook Comments