Bandila ng Pilipinas sa lahat ng korte sa bansa, pinalalagay sa half-mast

54

Nagpalabas ng direktiba ang Supreme Court na nag-aatas sa lahat ng korte sa bansa na ilagay sa half-mast ang bandila ng Pilipinas.

Kasunod ito ng pagpanaw ng dating Pangulong Noynoy Aquino.


Epektibo ang naturang kautusan ngayong araw na ito.

Una nang nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya at kaibigan ni Aquino si Associate Justice Marvic Leonen na siyang appointee ni PNoy sa Kortre Suprema.

Facebook Comments