Bandila ng Pilipinas sa Philippine Embassy sa Indonesia, naka-half mast dahil sa pagpanaw ng Pinoy artist

Naka-half mast na ang bandila ng Pilipinas sa Philippine Embassy sa Jakarta, Indonesia.

Ito ay bilang pakikiramay sa pagpanaw ni Filipino artist Arturo Luz.

Mananatili ang half-mast sa bandila ng Pilipinas sa embahada hanggang paglubog ng sikat ng araw mamaya.


Una nang naglabas ng Proclamation Number 96 ang Office of the President bilang pakikidalamhati sa pagpanaw ng Pinoy artist.

Facebook Comments