BANGAYAN | ‘Banatan sa isyu ng kalusugan’ sa pagitan nina PRRD at Joma Sison, nagpapatuloy pa rin!

Patuloy pa rin ang banatan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison hinggil sa isyu ng kanilang personal na kalusugan.

Sa pagbisita ng Pangulo sa kampo ng militar sa Jolo, Sulu tinawag niyang mayabang at hangal si Sison dahil sa paglalabas nito ng maling balitang na-comatose siya.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, mapagmataas si Sison kahit wala namang military might.


Naniniwala naman ang Pangulo na mayroong colon cancer si Sison.

Una rito, nagbanta rin ang punong ehekutibo na pupuntahan niya si Sison sa The Netherlands para patunayan kung sino sa kanila talaga ang tunay na may sakit.

Facebook Comments