Bangayan ng ilang mambabatas sa isyu ng umano’y insertions sa 2020 budget, ihihinto muna

Manila, Philippines – Nagkasundo ang ilang lider ng Kongreso na ihihinto muna ang bangayan sa isyu ng pork barrel sa panukalang 2020 national budget.

Ayon kay Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri – hindi dapat madamay ang buong institusyon sa away ng ilang kasamahan nila.

Sinabi naman ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate – nais naman ng Makabayan bloc na ipakita ng Kamara ang mga balak nitong ihabol sa institutional amendments para makita kung may pork o wala.


Tiniyak naman ni Senate Minority leader Franklin Drilon na bubusiin nilang mabuti ang 2020 budget.

Facebook Comments