Humirit si Cavite Representative Elpidio Barzaga na tigilan na ang bangayan ng mga pulitiko sa P50 Million Cauldron na gagamitin sa pagsisimula ng SEA Games.
Hiling ni Barzaga, isantabi na muna ang isyu sa kawa at sa halip ay suportahan na lamang ang mga Pilipinong atleta.
Hinimok nito ang gobyerno at mga mambabatas na taasan ang cash incentives sa mga mananalong manlalaro.
Napag-alaman ni Barzaga na ang kasalukuyang incentives para sa gold medalists sa SEA Games ay P300,000; P150,000 para sa silver medalists; at P60,000 para sa bronze medalists.
Sa mungkahi nito, pinatatasan sa P1M ang matatanggap ng gold medalists; P500,000 para sa silver medalists; at P300,000 para sa bronze medalists.
Mas mababa ito kumpara sa ibinibigay sa mga nananalo sa Asian Game at Olympics.