BANGGAAN | 6, sugatan sa aksidente sa Gensan

Gensan – Sugatan ang anim na tao matapos sumalpok ang isang SUV sa sinasakyan nilang tricycle sa national highway sa Barangay Baluan, General Santos City.

Kuwento ng tricycle driver na si Daniel Gonzales, paliko na sana siya sa purok pagkakaisa nang sumalpok ang SUV na minamaneho ni Renante Otoy sa likuran ng tricycle.

Sa tindi ng impact, gumulong pa ang tricycle ng isang beses habang nasa loob ng sasakyan ang anim na pasahero.


Desidido ang mga pasahero na magsampa ng reklamo reckless imprudence resulting in damage to property and physical injuries laban sa driver ng SUV.

Facebook Comments