Banggaan ng 2 Sasakyan, 3 Sugatan!

*Gamu, Isabela- *Sugatan ang isang pharmacist maging ang dalawang pasahero nito matapos bumangga ang minamanehong sasakyan sa kasalubong na Truck ganap na alas singko ng umaga, Pebrero 4, 2019 sa Maharlika Highway, Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Nakilala ang sugatang pharmacist at driver ng Black Honda Civic na si Mary Jan Canceran, 33 anyos at residente ng Brgy.San Fabian, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, binabaybay ni Canceran ang lansangan nang bigla itong umiwas sa dumaang pusa.


Hindi umano nakontrol ni Canceran ang manibela kaya’t napunta ito sa kabilang linya na nagresulta sa pagkakabangga sa paparating na truck na minamaneho ni Pedro Aquino ng Brgy. General Aguinaldo, Ramon, Isabela.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan si Canceran maging ang dalawa nitong pasahero na dinala naman sa pagamutan para sa kanilang karampatang lunas.

Dinala na sa himpilan ng PNP Gamu ang sasakyan ng biktima habang inihahanda naman ang kaukulang kaso na isasampa sa suspek.

Facebook Comments