Banggaan ng 3 Sasakyan, Isa Patay!

*City of Ilagan, Isabela- *Patay ang isang binata na sakay ng motorsiklo matapos na sumalpok sa kasalubong na sasakyan sa pambansang lansangan ng Brgy. Manaring, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang nasawi at driver ng Honda Beat na si Kyle Lawrence Balisi, 18 anyos, binata at residente ng Brgy. Marana 1st, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), parehong binabagtas ng biktima at ng Isuzu Hi Lander na may plakang WRY 151 na minamaneho ni Daniel Abenojar, 47 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Capellan City of Ilagan, Isabela ang naturang lansangan nang biglang nag-menor ang sasakyan na sinusundan ng biktima dahil umano sa isang barikada at mabigyan na rin ng daan ang kasalubong na Fuso Truck na minamaneho naman ni Charlie Clavero, 44 anyos, residente ng Brgy. Rang-ayan City of Ilagan, Isabela.


Sa pagmenor ni Abenojar ay sumagi sa kaliwang flasher ang mabilis na motorsiklo ng biktima at sumalpok sa kasalubong na truck.

Sa tindi ng salpukan ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang driver ng motorsiklo na agad namang dinala sa pagamutan subalit idineklara din itong dead on arrival.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Homicide and Damage to Property na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments