Banggaan ng Ambulansya at Motorsiklo, Isa Patay

168

Tuguegarao City – Idineklarang dead on arrival ang drayber ng isang motorsiklo matapos makipagbanggaan sa ambulansya kahapon ganap na alas siyete ng gabi, Enero 24, 2018.

Kinilala ang biktima na si Federico Salas, 46 anyos may asawa at residente ng Centro Sto. Tomas, Isabela samantalang ang suspek na kinilalang si Alejandro Mercado Jr. 57 anyos drayber at residente ng Barangay Pirok Luna, Isabela.


Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay P02 Kristofer Ferrer, imbestigador ng PNP Tuguegarao, binabaybay umano ni Salas ang bahagi ng Maharlika Highway, Namabbalan Sur ng aksidenteng makasalpukan nito ang minamanehong ambulansya ni Mercado.

Dahil sa lakas ng salpukan, nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang drayber ng ambulansya samantalang agad namang isinugod sa Hospital si Salas ngunit idineklara itong Dead on Arrival.

Lumabas din sa imbestigasyon ng mga pulis na nasa ilalim ng impluwensya ng alak at paso na rin ang lisensya ng nasawing biktima.

Kasalukuyan ng nagpapagaling na sa ospital ang suspek na nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings.



Facebook Comments