Banggaan ng dalawang barko ng China, isinisi ng DFA sa hindi pagsunod ng Tsina sa international maritime rules

Isinisi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa paglabag ng China sa international maritime rules ang banggaan ng dalawang barko ng Tsina sa Bajo de Masinloc.

Ayon sa DFA, partikular na hindi tumalima ang China sa 1972 International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS) at sa 1974 Safety of Life at Sea Convention (SOLAS).

Iginiit ng DFA na hindi lamang ang mga barko at tropa ng Pilipinas ang nalagay sa peligro, kundi mismong ang mga barko ng Tsina at mga tauhan ay napahamak sa sarili nilang kagagawan.

Ayon pa sa DFA, ligal ang humanitarian operation ng mga barko ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc dahil matagal na itong bahagi ng Philippine territory.

Paulit-ulit na rin anilang pinapaalala ng Pilipinas ang kahalagahan ng maritime safety, at handa itong makipagtulungan sa mga partido para maiwasang maulit ang naturang insidente.

Nanindigan din ang Pilipinas na bukas ito sa mapayapang pagresolba sa tensyon sa West Philippine Sea.

Facebook Comments