Banggaan ng Dalawang Motorsiklo sa Luna, Isabela, Anim Sugatan!

170

*Luna, Isabela- *Sugatan ang anim na katao sa naganap na aksidente pasado alas otso kaninang umaga sa National Highway ng brgy. Mambabanga, Luna, Isabela.


Kinilala ang mga sugatang suspek na si Frederick Ramos, 22 anyos, binata, driver ng Rusi at residente ng Sinamar Sur, San Mateo, Isabela at backrider nito na si Joy Mecate, 17 anyos, single at residente ng Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela.

Habang ang mga biktima ay kinilalang sina Caroline Bacolod, 31 anyos, driver ng Mio kasama ang mga backriders nito na sina Maritess Alejo, 26 anyos at ang dalawang batang apat na taong gulang na pawang mga residente ng Luna, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), binabaybay ni Ramos ang lansangan patungong Cauayan City lulan ang kanyang motorsiklo at nang marating ang pinangyarihan ng insidente ay natumbok nito ang bumabagtas na Motorsiklong Mio na minamaneho ni Caroline Bacolod sakay ang tatlo pang biktima.

Sa lakas ng pagkabangga ay tumilapon ang mga ito na isinugod naman ng LGU Luna sa Dr. Esther Garcia Hospital, Cauayan City, Isabela.

Dinala na sa Luna Police Station ang dalawang behikulo para sa kaukulang disposiyon at imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments