Banggaan ng Dalawang Motorsiklo sa San Manuel, Isabela, 2 Sugatan!

*San Manuel, Isabela- *Sugatan ang dalawang motorista matapos aksidenteng magbanggan sa brgy. Babanuang, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang dalawang sugatan na sina Dave Tigno Maguisid ng Brgy. Centro Abulog, Cagayan at Ricardo Donato Alvarez ng brgy. Eden, San Manuel, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, pareho umanong binabaybay nina Maguisid at Alvarez ang kahabaan ng Brgy. Babanuang lulan ang kanilang motorsiklo nang bigla umanong lumiko pakaliwa si Alvarez na aksidente namang natumbok ng sumusunod na motorsiklo ni Maguisid.


Sa lakas ng banggaan ay nagtamo ng malalalim na sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan sina Maguisid at Alvarez na agad namang isinugod sa pagamutan.

Dinala naman sa PNP San Manuel ang dalawang motorsiklo para sa kaukulang disposisyon habang kasalukuyan pa ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa naturang pangyayari.

Facebook Comments