Banggaan ng Dalawang Motorsiklo, Tatlo Sugatan!

171

*Quezon, Isabela- *Sugatan ang tatlong katao sa naganap na banggaan ng dalawang motorsiklo kagabi sa pambansang lansangan ng Brgy. Arellano, Quezon, Isabela.

Kinilala ang sugatan na driver ng Honda XR150 na may plakang BC 82936 na si Glenn Tumboc, 50 anyos, may-asawa, magsasaka, residente ng Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela habang sugatan rin ang backrider nito na si Pepito Duran.


Sugatan rin ang driver ng Motoposh na motorsiklo na si Miguel San Pedro, 40 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. San Pedro, Mallig, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), magkasalungat na binabaybay ng dalawang motorsiklo ang nasabing lansangan nang biglang umagaw sa linya ni Tumboc si San Pedro na dahilan ng kanilang salpukan.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga sakay ng motorsiklo na agad namang dinala sa pagamutan para sa kanilang karampatang lunas.

Dinala na sa Quezon Police Station ang dalawang motorsiklo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments