Banggaan ng Motorsiklo at Closed Van sa Benito Soliven, Dalawa Sugatan!

233

Benito Soliven, Isabela – Sugatan ang dalawang katao sa naganap na salpukan ng Motorsiklo at Van pasado alas dose ng tanghali sa pambansang lansangan na sakop ng Brgy. Sta. Cruz, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Marvin Albino Verdadero, 32 anyos, may asawa, Driver ng Van at residente ng Brgy. San Felipe, City of Iagan, Isabela habang ang suspek at Driver ng motorsiklo ay kinilalang si Michael John Ibale, 27 anyos, binata at backrider na si Zaira Buguina, kapwa Nurse at residente ng San Mariano, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, habang binabaybay ni Verdadero ang nasabing lansangan patungong Naguilian, Isabela at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay biglang umovertake at umagaw sa linya si Ibale.

Sa lakas ng impak ay nasugatan sina Ibale at kanyang backrider na si Buguina na agad isinugod sa pagamutan para sa kanilang karampatang lunas.

Dinala na sa himpilan ng Benito Soliven Police Station ang mga sangkot na behikulo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers