Banggaan ng Motorsiklo at Sasakyan, Dalawa Sugatan!

*Luna, Isabela-* Sugatan ang dalawang lalaki matapos mabangga ng sasakyan ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Mambabanga, Luna, Isabela.

Kinilala ang biktima at driver ng Kawasaki Fury na si Romualdo Sison Sr Castillo, 71 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Brgy Purok, Luna, Isabela habang ang suspek at driver ng KIA 4X4 HSPUR na may plakang RMZ898 ay si Lester Jan Sederiosa, 30 anyos, binata at residente ng Brgy. Pampanga, Davao City.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, binabaybay ni Sederiosa ang lansangan patungong Cabatuan, Isabela at nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay nabangga nito ang bumabagtas na mga biktima.


Nagtamo ng sugat sa katawan ang driver ng motorsiklo at hindi pa nakikilalang backrider nito na kapwa isinugod sa pagamutan para sa kanilang karampatang lunas.

Dinala na sa Luna Police Station ang dalawang sangkot na behikulo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments