Banggaan ng Motorsiklo at Tricycle, Isa Patay; Isa Sugatan!

*Reina Mercedes, Isabela**- *Dead on Arrival sa pagamutan ang isang lalaki nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang tricycle pasado alas sais kagabi sa pambansang lansangan ng Brgy Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Ang nasawi ay kinilalang si Esteban Ferrer, 26 anyos, may-asawa, LBC courier, residente ng Brgy Dangan, Reina Mercedes, Isabela habang ang suspek at driver ng tricycle ay si Danilo Lauayan, 56 anyos, na taga Brgy District 1, Reina Mercedes, Isabela.

Batay sa report ng PNP Reina Mercedes, magkasalungat na binabaybay ng biktima at suspek ang naturang lansangan nang bigla umanong mag U-turn ang suspek at hindi ito napansin ng paparating na si Ferrer.


Dahil dito ay natumbok ng biktima ang tricycle ni Lauayan na nagresulta ng matinding pagkakapinsala sa kanilang katawan.

Isinugod pa ng Rescue 922 sa Cauayan District Hospital ang biktima subalit binawian din ito ng buhay.

Inihahanda na ng PNP Reina Mercedes ang kasong isasampa laban kay Danilo Lauayan.

Facebook Comments