Banggaan ng Sasakyan at Motorsiklo, Dalawa Sugatan!

Cauayan City, Isabela- Nagtamo ng Serious Physical Injury ang isang tsuper ng motorsiklo kahapon na naganap sa national highway ng brgy. Minante dos, Cauayan City.

Kinilala ang biktima at drayber ng suzuki raider na si Sanny Bolo, kwarentay tres anyos at residente ng Tungkil, Minglanilla, Cebu kasama ang kanyang back rider na si Clarisa Baddongon, bente anyos samantalang kinilala naman ang suspek at drayber ng Montero sport na si Jayson Pua, bente kwatro anyos at residente ng brgy. Sillawit, Cauayan City.

Sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, parehong binabaybay nina Bolo at Pua ang kahabaan ng nasabing lansangan nang biglang mag overtake si Pua dahilan upang mahagip sina Bolo at Clarissa kaya’t sila ay tumilapon.


Nagtamo ng matinding pinsala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang dalawang biktima na agad namang isinugod sa pagamutan para sa kanilang kaukulang lunas.

Samantala, Nagkasundo rin ang magkabilang panig na babayaran nalang ng suspek ang pagpapagamot ng kanyang mga nahagip.

Facebook Comments