Banggaan ng Tricycle at Kolong-Kolong, Isa Patay!

San Mariano, Isabela – Binawian ng buhay sa ospital ang drayber ng tricycle matapos na magbagaan sa isang kolong-kolong kahapon sa hangganan ng San Mariano at Benito solivenIsabela.

Ayon kay Police Chief Inspector Rey Tad-O ng PNP San Mariano, naging malakas ang impak ng baggaan kung saan itinakbo agad sa pinakamalapit na pagamutan ang drayber ng tricycle na si Flores Sipagan, residente ng Barangay Alibadabad, San Mariano, Isabela at naging positibo sa nakakalasing na inumin nang maganap ang banggaan.

Samantala ang drayber naman ng Kolong-kolong na kasalukuyan paring nagpapagaling sa ospital ay si Eugene Arugal na residente ng Barangay Capilian, City of Ilagan.


Sa imbestigasyon ng PNP San Mariano, ang tricycle ay patungong poblacion ng San Mariano at ang Kolong-kolong ay patungo naman sa Benito Soliven.

Ang dalawang sasakyan ay nasa pag-iingat na ng PNP San Mariano para sa karagdagang imbestigasyon.

Facebook Comments