BANGGAAN SA AGOO | Kopya ng CCTV footage, hiniling ng LTFRB sa alkalde ng Agoo

Manila, Philippines – Hiniling na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Regional Office 1 kay Agoo, La Union Mayor Stefanie Ann Eriguel na makakuha sila ng kopya ng CCTV footages kung saan nangyari ang aksidente na kinasangkutan ng Partas bus at ng isang jeep.

Ito ay matapos makarating sa tanggapan ang impormasyon na mayroon umanong CCTV cameras na nakakabit sa bahagi ng national highway ng Barangay San Jose Sur na posibleng makatulong sa imbestigasyon ng mga otoridad.

Kinumpirma naman kay LTFRB Spokesman at Board Member Atty. Aileen Lizada na kanya nang nakausap si DILG Officer-in-Charge Catalino Cuy na siya namang makikipag-ugnayan sa alkalde at maibigay ang kopya ng CCTV footages.


Muling iginiit ni Lizada na mahalaga ito sa kanilang innbestigasyon upang rnabigyan ng linaw ang mga huling sandali bago nangyari ang aksidente noong madaling araw ng December 25.

Patay ang dalawampung pasahero ng pribadong jeep na nag-overtake umano habang sugatan ang dalawamput-anim na iba pa kung saan labing-anim sa mga ito ay sakay nang sinalpok na bus.

Una rito isinilbi kamakailan ng LTFRB ang tatlumpung-araw na Preventive Suspension Order (PSO) sa pitong bus units ng Partas na may rutang Pagudpud-llocos Norte at Sampaloc, Maynila dahil sa kabiguan ng pamunuan nito na isumite ang dashcam video.

Suspendido rin ng tatlumpung-araw ang dalawang jeepney units na naka-rehistro sa isang Ronald Ducusin na may rutang San Fernando-Aringay at San Fernando-Agoo.

Facebook Comments