Banggaan sa mga kalsada, resulta ng kakulangan ng kaalaman ng mga driver sa batas trapiko

Kulang ang kaalaman ng mga motorista sa batas trapiko.

Ito ang nakikitang dahilan ng mga awtoridad kung bakit nagkakaroon ng aksidente o banggaan sa kalsada.

Bukod dito, tingin ni Automobile Association of the Philippines President Gus Lagman, masyadong madaling makakuha ng Driver’s License.


Tiniyak naman ng Land Transportation Office (LTO) na hinigpitan na ang pagkuha nito.

Ayon kay LTO Deputy Director Roberto Valera, pinaigting na rin nila ang exams at Drivers Education.

Isinama na rin ang road safety sa Curriculum sa paaralan.

Nakikita ng LTO na overloading ang pangunahing sanhi ng banggaang kinasasangkutan ng mga truck.

Facebook Comments