Banggaan ng Motorsiklo, Mag-asawa Sugatan

Cauayan City, Isabela- Sugatan ang isang mag-asawa matapos aksidenteng mabangga ng kasalubong na motorsiklo kahapon, Enero 30 2018.

Kinilala ang may-ari ng Kawasaki Bajaj na si Ronnie Sumalenab, 39 anyos at residente ng Barangay Minante II Cauayan City samantalang ang mga biktima naman ay kinilalang sina Oliver Torres at Nerissa Torres kapwa 27 anyos at residente ng Barangay Viga Angaddan Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, binabaybay umano ng mag-asawa ang kahabaan ng National Highway Barangay Nungnungan, Cauayan City sakay ng kanilang TMX 155 na motorsiklo nang mahagip at tumbukin ang mga ito ng minamanehong motorsiklo ni Sumalenab.


Agad na isinugod ang mag-asawa sa pinakamalapit na pagamutan matapos magtamo ng sugat sa kanilang katawan dahil sa aksidente.

Nakipag-ayos naman si Sumalenab at nangakong tutulong sa pagpapagamot ng mga biktima.

Facebook Comments