BANGKA, ALTERNATIBONG TRANSPORTASYON SA PAGSARA NG ALICAOCAO BRIDGE

CAUAYAN CITY- Isa sa nakikitang alternatibong transportasyon para makatawid sa isinarang Alicaocao Overflow Bridge ay ang paggamit ng bangka mula sa Carabatan Chica.

Sa panayam ng IFM News Team kay Reynaldo Tuppal, Brgy. Kagawad ng Dissimuray, maaaring iwan ng mga residente ang kanilang mga sasakyan o behikulo sa Brgy. Carabatan Chica tsaka sasakay ng bangka papuntang Alicaocao.

Aniya, sa paraang ito ay mababawasan ang travel time ng mga residente at motorista dahil hindi na kinakailangan pang umikot sa bayan ng Naguilian.


Dagdag pa niya, bagama’t hassle at magastos ay ito lang ang isa sa nakikita nilang solusyon upang hindi gaanong mahirapan ang mga nakatira sa Forest Region at East Tabacal Region.

Facebook Comments