Bangka ng dragon boat team sa Boracay, lumubog; 7 miyembro patay

Courtesy Philippine Coast Guard

Patay ang pitong miyembro ng dragon boat team matapos lumubog ang kanilang bangka sa Boracay Island, bayan ng Malay, sa lalawigan ng Aklan, nitong Miyerkules.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nag-eensayo ang mga kasapi nang biglang hampasin ng malakas na alon ang bangkang sinasakyan nila.

Naganap ang trahedya bandang alas-7:46 ng umaga sa karagatang sakop ng Sitio Lingganay, sa Barangay Manoc-Manoc.


Kinilala ang mga nasawi na sila Johann Tan, John Vince Natividad, Mark Vincent Navarete, Comar Acob, Maricel Tan, Richel Montoya at Rose Antonette Supranes.

Ani PCG, 21 katao ang lulan ng bangka.

Isinugod naman sa Saint Gabriel Hospital ang mga sibilyang nakaligtas.

Kasama sa mga nasagip ang 12 Pinoy, isang Russian, at isang Chinese national na kinilalang sina:

• Mark Baccay
• Jaylord Violanda
• Robel Licerio
• Marc Sabado
• Kathleen Sabado
• Kenneth Bandalan
• Julia Kurbaniizova
• Maggie Xie
• Xhen Autona
• Lani Ordas
• Janice Lumbo
• Jao Buenaventura
• Edwin Paradas, at Von Navarosa

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad kaugnay sa aksidenteng naganap.

Facebook Comments