Bangkay na Natagpuan sa Cagayan River, Tukoy na

37

Cauayan City, Isabela- Tukoy na ang pagkakakilanlan ng isang bangkay na natagpuan kahapon sa Cagayan river na sakop ng Brgy. Lapogan, Tumauini, Isabela.

Ayon sa ulat ng pulisya, positibo itong kinilala ni Sally Albino na ang kanyang live-in partner na si Rodante Ramones ang natagpuang bangkay dahil sa suot nitong damit maging ang cellphone ng biktima na nakita sa kanyang bulsa.


Una nang napaulat na nawawala ang biktima nitong Enero 2 nang magpaalam na uuwi sa kanilang bahay sa Brgy. Cabaruan sa lungsod ng Cauayan mula sa kanilang kaanak sa Brgy. Villa Luna.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Tumauini, walang nakitang galos o palatandaan na pinahirapan ang biktima.

Ayon naman pakikipag-ugnayan ng pulisya sa pamilya ng biktima, posibleng nahulog sa ilog ang kanyang asawa lulan ng motorsiklo lalo pa’t lango sa nakalalasing na inumin ang biktima.

Muli namang nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na iwasan ang pagmamaneho kung nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin at hindi matulad sa nangyari kay Ramones.



Facebook Comments